
Naghihintay ako ng treno papunta sa work. Mula sa aking kinatatayuan ay naririnig ko ang isang babae na humahagulhol—Filipina, nag-iiyak habang nagmamakaawa sa kausap sa cellphone, “Ano ba namang kausapin n’yo man lang ako? Puro kayo pera. Tatawag lang kapag walang pera.” Sa isip ko, “Ay, may pinagdaraanan si Ate. Kawawa nman.” Gusto ko sana damayan, kaso late na rin ako sa work ko.
Dumaan ang ilang taon, nagkaroon din ako ng pinagdaraanan. Iyak ako nang iyak. Naisip kong pumunta sa aking kaibigan, para man lang maglabas ng hinanakit sa buhay at maibsan ang nararamdaman. Saktong palabas siya sa gate nang salubungin ko. Luhaan ako. Sabi ko, “Pwede ba tayong mag-usap?” Halata naming concerned sya pero ang naisagot nya sa akin, “Naku, hindi pwede. May trabaho ako ngayon. Alam mo magtrabaho ka lang nang magtrabaho. Mawawala rin ‘yang lungkot mo.”
Paglipas ng panahon, naghilom na ang aking mga sugat. Ngunit nag-iwan ang mga ito ng pilat ng karanasan. Kapag pinagmamasdan ko sila, nangingiti na lang ako. Sabi ng professor ko…ang mga sinusulat ko daw ay DOLCE-AMARO…BITTER-SWEET…MASAYANG MALUNGKOT.
May kwentong OFW ka ba sa Italia? Tara, isulat natin!
Sto aspettando il treno per andare al lavoro. Dal punto in cui mi trovo, sento una donna che piange disperatamente—una filippina, che supplica al telefono tra le lacrime:
“Ma non potete almeno parlarmi? Sempre soldi, soldi. Mi chiamano solo quando non hanno soldi.”
Ho pensato, “Ah, si vede che si trova in un momento difficile. Che peccato.”
Avrei voluto confortarla, ma ero anche in ritardo per il lavoro.
Sono passati degli anni, e anch’io ho vissuto momenti difficili. Piangevo continuamente. Ho pensato di andare da un’amica, solo per sfogarmi, per alleviare un po’ il dolore.
Proprio quando usciva dal cancello, l’ho incontrata. Avevo gli occhi pieni di lacrime.
Le ho detto: “Possiamo parlare un attimo?”
Si vedeva che era preoccupata, ma mi ha risposto:
“Ah, mi dispiace, non posso. Sto andando al lavoro. Sai, lavora e basta. Passerà anche quella tristezza.”
Col tempo, le mie ferite si sono rimarginate. Ma hanno lasciato cicatrici—cicatrici di esperienze vissute. Quando le guardo, ormai sorrido.
Come ha detto il mio professore… quello che scrivo è “DOLCE-AMARO”… BITTER-SWEET… FELICE E TRISTE.
Hai anche tu un racconto OFW qui in Italia? Dai, lo raccontiamo insieme!
Lascia un commento